Sunday, August 12, 2007

Sino ba ko?? Kilalanin mo muna ako..


Ako ay isang simpleng tao lamang na gustong mabuhay ng simpleng buhay. Ako ay yung tipo ng tao na minsan komplikado at mahirap unawain at intindihin pero kahit ganun kapag nakasama mo na ko, masasabi ko na madali akong pakisamahan at masaya kasama. Ang unang impression sa akin ng mga tao ay masungit pero sa totoo lang hindi talaga ako masungit. Hindi lang ako nagsasalita kaagad kung kakakilala ko pa lang sa tao. Nakikiramdam ako at nagmamasid kung pano ko pakikitunguhan ang isang tao. Masayahin akong nilalang kaya nga ba gusto ko rin na ang mga tao sa paligid ko ay napapasaya ko rin, ngunit sa tamis ng aking mga ngiti at masasayang halakhak nagtatago ang kalungkutan at ang mga luha na minsan nagpabagsak sa akin. Marami nagsasabi na malakas daw ako at matapang, pero di lang nila alam na kaya lang ako ganito ay dahil sa pamilya ko at kay Papa God. Marami na ring nagbago sa akin pero ako pa rin ang taong kilala ng pamilya ko at mga kaibigan ko. Nagbago man ako iyon ay para sa ikakabuti ko at ng mga tao sa paligid ko. Ngayon.. nasabi ko na ang mga bagay na gusto mong malaman tungkol sa akin. Nasa sa iyo na kung gusto mo ko kilalanin at ikaw na rin ang humatol kung tama ba ang mga sinabi ko. Kilalanin mo pa ako, malay mo, magkasundo pala tayo at pwede maging magkaibigan.

1 comment:

Doubting Thomas said...

cha link mo naman yng blog ko! :P yung doubting thomas.